Tagalog | English | Español | 繁體中文 | Tiếng Việt | العربية
Misyon
Pagtaguyod sa pangingibabaw ng batas sa pamamagitan ng may layunin, at hiwalay na pangangasiwa ng Department of Justice
Pangitain
Itakda ang pamantayan para sa pamamahalang may inobasyon, at nakapagpapabago.
Mga Pagpapahalaga
Integridad, Kalayaan, Kahusayan, Kalinawan, Paggalang, Kaliksihan
Ang Office of the Inspector General (OIG) sa U.S. Department of Justice (DOJ) ay isang hiwalay na entidad na nilikha ayon sa batas na ang misyon ay matukoy at hadlangan ang pagsasayang, panloloko, pag-abuso, at maling ikinikilos sa DOJ, at para itaguyod ang katipiran at kahusayan sa mga operasyon ng DOJ. Ang Inspector General, na hinirang ng Presidente na sasailalim sa pagkumpirma ng Senado, ay nag-uulat sa Attorney General at sa Kongreso.
Ang DOJ OIG ay binubuo ng Immediate Office, Office of General Counsel, at anim na dibisyon. Ang bawat dibisyon ay pinamumunuan ng isang Assistant Inspector General.
Ang Audit Division ay ang pinakamalaking dibisyon ng OIG at binubuo ng 200 bihasang auditor, program analyst, statistician at iba pang operational staff. Sa pamamagitan kawanihan nitong magkakaiba ang mga disiplina, nagsasagawa ang Audit Division ng mga pag-audit sa pagganap ng mga programa at operasyon ng Departamento at pinangangasiwaan ang taunang pag-audit ng mahigit $35 bilyon na ginagastos ng Departamento. Nagsasagawa rin ang Dibisyon mga pag-audit ng mga panlabas na entidad na tumatanggap ng pondo mula sa Departamento sa pamamagitan ng iba't ibang mga kontrata at grant program nito. Malaki ang naitutulong ng mga pag-audit na ito sa Departamento sa mga pagsisikap nitong mapigilan ang pagsasayang, panloloko at pag-abuso, at para itaguyod ang katipiran at kahusayan sa mga operasyon nito. Ang matatag na programa sa pangangasiwa ng Dibisyon ay pangunahing isinusulong ng mga pagtatasang nakabatay sa panganib ng mga operasyon ng Departamento, pati na ng mga legal na mandato, mga kahilingan ng kongreso, mga kasalukuyang kaganapan, at Kataas-taasang Pamunuan ng Departamento at Mga Paghamon sa Pagganap na tinukoy ng OIG bawat taon.
Iniimbestigahan ng Investigations Division ang mga sinasabing paglabag na panloloko, pag-abuso, at sa mga batas sa integridad na namamahala sa mga empleyado, operasyon, grantee, at kontratista ng DOJ. Bumubuo ang mga Special Agent ng Investigations Division ng mga kaso para sa kriminal o sibil na paglilitis, o aksiyon na pang-administratibo.
Tinatanggap at prinoproseso ng Investigations Division ang mga reklamong kaugnay ng panloloko, pagsasayang, pag-abuso, at maling ikinikilos ng mga empleyado ng DOJ, mga kontratista, mga grantee, at iba pang mga panlabas na partido; nagbubukas ng mga imbestigasyon; at nagsasagawa ng mga pag-aresto. Nagresulta ang mga imbestigasyon namin sa kriminal at sibil na pagsasauli at pagbawi, pagkuha, pagmulta, at iba pang sinusubaybayang pera.
Nagbibigay ang Evaluation and Inspections Division sa Inspector General ng alternatibong mekanismo sa tradisyunal na pag-audit at mga disiplina sa pag-imbestiga para matasa ang mga programa at aktibidad ng Department of Justice (Department). Karamihan sa mga ginagawa ay nagreresulta sa mga rekomendasyon sa mga nagdedesisyon para mapaswabe ang mga operasyon, mabawasan ang mga hindi kinakailangang regulasyon, mapabuti ang serbisyo sa customer, at mabawasan ang mga pamamaraan na hindi mahusay at hindi mabisa. Bilang karagdagan sa pagtasa sa mga programa ng Departamento sa pamamagitan ng mga pagsiyasat sa site at pagsuri sa mga programa, nagsasagawa ang Dibisyon ng mga espesyal na pagsusuri na hiniling ng Inspector General o senior na pamunuan ng Departamento na biglaang lumilitaw at nangangailangan ng agarang atensyon.
Pinagsasama ng The Oversight and Review Division ang mga kasanayan ng mga abogado, mga imbestigador, mga program analyst, at mga paralegal para magsagawa ng mga espesyal na pagsusuri at imbestigasyon ng mga sensitibong paratang na kinasasangkutan ng mga empleyado at operasyon ng Departamento. Madalas na isinasagawa ang mga pagsusuri at imbestigasyon ng O&R sa kahilingan ng Attorney General, ng mga senior manager ng Departamento, o Kongreso.
Isinasagawa ng Information Technology Division ang IT strategic vision at mga mithiin ng OIG sa pamamagitan ng pagmando sa teknolohiya at pagsasama ng proseso ng negosyo, pangangasiwa sa network, pagpapatupad ng computer hardware at software, cybersecurity, pagbuo ng mga application, mga serbisyo sa programming, pagbabalangkas ng patakaran, at iba pang aktibidad sa pagsuporta sa misyon.
Nagbibigay ang Management and Planning Division sa Inspector General ng payo sa patakarang pang-administratibo at pananalapi at tinutulungan ang mga bahagi ng OIG sa pamamagitan ng pagbigay ng mga serbisyo sa mga pagplano, budget, pananalapi, pagtiyak sa kalidad, kawanihan, komunikasyon, pagbili, mga pasilidad, telekomunikasyon, seguridad, at pangkalahatang suporta.
Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon o nais mong mag-ulat ng pagsasayang, panloloko, pag-abuso, maling ikinikilos, o paghihiganti sa nagsiwalat sa DOJ OIG, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Fax sa (202) 353-0472 o sa pamamagitan ng koreo.
Address para sa Koreo:
Investigations Division
950 Pennsylvania Ave., NW
Washington, DC 20530